Sunday, July 10, 2005

Lahat ng lalaki ay dumadahan sa pag bibinata. Ano ba ang pagbibinata? Ang pagbibinata para sa akin ay ang paglaki ng isang lalaki at ang paglawak ng kanyang pagiisip sa mga posibilidad na pwede mangyari sa kanyang buhay, ito rin ang panahon na naiintindihan na ng isang lalaki ang kanyang responsibilidad sa kanyang buhay.

Ang pagbibinata ng isang lalaki ay ngyayari kapag nagbago na ang kanyang pagiisip at ang kanyang tingin sa mga ibat ibang bagay sa buhay ang mga ito ay ang pagtingin sa mga babae, pagaaral at mga responsibilidad sa kanyang buhay. Ito ay maihahalintulad ko sa aking buhay noong bata pa ako dahil noong bata pa ako hindi ko alam ang importansya ng pagaaral at wala pa ako masyadong hilig sa mga babae.

Masmasaya ang buhay kapag ikaw na ay isang binata mas marami kang alam tungkol sa mga bagay bagay sa buhay at alam mo at mas marami kang ginagawa dahil kapag ikaw ay isang bata hindi mo paalam ang mga bagay bagay sa buhay pero ang ganda lang ng isang bata sa isang binata ay ang bata ay inosente ngunit ang binata ay hindi. Pero ang saya ng isang binata ay hindi mararamdaman ng bata dahil ang mga bata puro laro lang ang inaatupag ngunit ang mga binata ay puro pagmamahal at pagaaral ang inaatupag.

Talagang mas masaysa ang buhay ng binata kaysa sa bata ang buhay ng binata ay mas masaya dahil sa mga barkada at mga kaibigan. Ang barkada at kaibigan ay nagbibigay ng tuwa sa iyo dahil palagi silang nakikipag biruan at sila ang tumutulong sayo kapag ikaw ay nangangailangan. Maganda rin ang buhay ng binata dahil mas masaya kapag ikaw ay umaalis dahil wala kang bantay na yaya kaya malaya kang makakagawa ng kalokohan.

Sa aking konklusyon, ang buhay ng isang binata ay talagang masaya at sa tingin ko na habang binata pa tayo ay magsaya tayo dahil hindi tayo mananatiling binata habang buhay. Ngunit kahit ikaw ay isang binata na hindi mo rin dapat kalimutan ang iyong mga responsibilidad sa ating buhay.